^

Metro

Masinloc mayor kakasuhan

-

ZAMBALES , Philippines – Nakatakdang kasuhan ang alkalde ng bayan ng Masinloc matapos na ipag-utos nito na gibain ang dalawang security outposts ng minahan sa mga Barangay Taltal at Baluganon sa bayan ng Masinloc, Zambales noong Biyernes (Marso 19). Sinabi ni Arsenia Lim, administrator ng Compania Minera Tu­bajon, Inc. (CMTI) na dating Coto Mining Corp., iniha­handa na ng kanyang mga abogado ang dokumento para kasuhan si Masinloc Mayor Jessu Edora. Ayon kay Lim, ipinag-utos ni Mayor Edora sa kanyang mga tauhang pulis at sundalo na wasakin ang dalawang security outpost at dis­armahan ang mga CMTI security personnel. Itinanggi naman ni Lim na pinagbabawalan nilang ga­mitin ng mga residente ang kalsada na pag-aari ng CMTI upang makarating sa kanilang komunidad. Ang mga security outpost ay na­itinayo upang pangala­gaan ang mga ari-arian ng CMTI at malayang nakaka­pasok ang mga sa­sakyan. “Ang pagkakaalam ko, nag­sumite na si Mayor Edora ng 14 mining application sa loob ng dating Coto Mining Corp. na kanyang ipina­ngalan sa kanyang mga anak at kamag-anak,” dagdag pa ni Lim. Hindi naman makontak si Mayor Edora para magbigay ng kanyang panig kaugnay sa nabanggit na akusasyon. (Randy Datu)

ARSENIA LIM

BARANGAY TALTAL

COMPANIA MINERA TU

COTO MINING CORP

MASINLOC

MASINLOC MAYOR JESSU EDORA

MAYOR EDORA

RANDY DATU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with