^

Metro

1 todas, 1 sugatan sa pamamaril sa Quezon City

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng ipinatutupad na gun ban, minsan pang na­lu­sutan ang mga awto­ridad makaraang isang bi­nata na naman ang binaril at napatay ng hindi pa naki­kilalang sa­larin, habang isang nene ang nasugatan matapos na ta­maan ng ligaw na bala kama­kalawa sa Quezon City.

Si Rolando Rueda, ng Maya St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City ay na­gawa pang maisugod ng ka­anak sa General Malvar Hospital, ngunit idineklara din itong patay dahil sa tama ng bala sa ulo at kali­wang balikat.

Habang ang batang si Jomarie Otayde, 14, ng Brgy. Batasan na nagtamo ng tama ng ligaw na bala sa kanang kamay na tumagos sa kan­ yang tagilirang tiyan ay agad namang nalapatan ng lunas sa East Avenue Medical center.

Ayon sa pulisya, isinala­ra­wan lamang ang suspect sa taas na 5’10, nakasuot ng itim na jacket, at bull cap.

Naganap ang insidente sa may Legislative St., corner Senatorial St., Brgy. Batasan pasado alas- 9 ng gabi.

Ayon kay Emman Fal­sario, pinsan ng biktima, naki­kipag-kuwentuhan siya sa kaibigan malapit sa nasabing lugar nang makarinig siya ng malakas na mga putok ng baril mula dito.

Dala ng kuryusidad, agad na pinuntahan ni Falsario ang lugar para mabatid ang dahi­lan ng mga putok, hanggang sa makita niya ang suspect na naglalakad papalayo. Ilang hakbang pa ay natagpuan ni Falsario ang pinsan na du­guang nakahandusay sa semento, dahilan upang agad na itakbo nila ito sa nasabing ospital kung saan ito nasawi.

Sa kabilang banda naman ay natagpuan din ang bata na sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala habang nagla­laro sa nasabing lugar.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng isinagawang pama­maril sa biktima. (Ricky Tulipat)

AYON

BATASAN

BATASAN HILLS

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL

EMMAN FAL

FALSARIO

GENERAL MALVAR HOSPITAL

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with