MANILA, Philippines - Ipinanukala ni Makati Vice Mayor at mayoral candidate Ernesto Mercado ang pagkakaroon ng libreng pagbabakuna para sa mga bagong panganak na sanggol hanggang sa sumapit ito sa isang taon gulang bilang bahagi ng kanyang pagnanais na magabayan sa kalusugan ang mga residente ng Makati City partikular ang mga mahihirap.
“Although the national government has made a substantial commitment to universal child immunization, many children from poor families in Makati City remain unimmunized because of the cost of vaccines,” ani Mercado.
Sinabi pa nito na base sa ulat ng pamahalaan noong 2003, umabot sa 62.9 porsiyento ng batang nasa gulang na isang taon hanggang 23 buwan ang nabakunahan na subali’t nito lamang nakaraang linggo ay kinumpirma ng DOH na nag-triple ang kaso ng tigdas kumpara noong nakaraang taon.
“This shows that the number of children inoculated against measles may have dropped last year and most of this cases are in Metro Manila,” diin ni Mercado.
Sa pangyayaring ito, sinabi ni Mercado na hindi niya papayagang mapabilang ang Makati sa naturang kaso, kung kaya’t gagawa siya ng paraan para maproteksyunan ang mga bata sa anumang sakit.
Hindi lamang ang mga senior citizen na mabebenipisyuhan kundi maging ang mga batang nasa ilalim ng programa na ipatutupad ng panukalang Childcare Assistance and Disaster Office (CADO) na kung saan ay may ipamamahaging CADO Kiddie Cards sa mga kabataan sa lungsod.
Ang mabibigyang ng Kiddie Cards ay mayroong libreng gabay mula sa pediatric doctors para sa libreng pagbabakuna.