^

Metro

Ivler hindi pa maililipat sa NBI

-

MANILA, Philippines - Hindi muna maililipat sa detention cell sa NBI bagkus ay mananatili pa sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City si road rage suspect Jason Ivler .

Ito ay dahil sa ginawang pagkuwestyon ng depensa sa kredibilidad ng mga  doktor ng prosekusyon  na sumuri kay Ivler.

Bunsod nito, ni- reset ni QC Regional Trial Court, Branch 76 Judge Alexander Balut ang pagdinig sa Marso 30 at nag­sabing isu-subpoena ang doktor ng Quirino Hospital para dumalo sa susunod na hearing.

Binigyang diin ni Judge Balut na  kanyang tatanungin sa next hearing ang doktor ng pagamutan kung mag-iisyu ba ito ng discharge order laban kay Ivler.

Una nang giniit ng prosekusyon na dapat nang ilipat si Ivler sa NBI dahil kailangan na lamang naman na imonitor ang sugat nito bilang out-patient  dahil stable na ito sa kanyang karam­daman.

Wala naman si Ivler sa pagdinig. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BINIGYANG

BUNSOD

IVLER

JASON IVLER

JUDGE ALEXANDER BALUT

JUDGE BALUT

QUEZON CITY

QUIRINO HOSPITAL

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with