^

Metro

Libreng toga sa Caloocan

-

MANILA, Philippines - Hindi na mahihirapang maghanap ng gagastusin ang mga magulang ng mga graduating students ngayong taon matapos sagutin ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echi­verri ang togang gaga­ mitin ng mga magsisipag­tapos sa mga pampubli­kong paaralan ng lungsod.

Ayon kay Echiverri, na­ra­rapat lamang na tulu­ngan ng lokal na pama­halaan ang mga pamilyang nahihi­rapang makakuha ng ga­gastusin sa pang-arkila ng togang gagamitin ng kani­lang mga anak na magsi­sipagtapos ngayon taon.

Aniya, lahat ng magsi­si­pagtapos ngayon taon sa mga pampublikong pa­aralan sa elementarya man o sekondarya ay aakuin na ng lokal na pamahalaan ang gagamiting toga ng mga graduating students.

Sinabi pa ng alkalde, responsibilidad ng lokal na pamahalaan na ibigay ang mga pangangailangan ng mga residenteng hindi sapat ang kinikita para sa kanilang pamilya kaya’t bilang tugon dito ay na­isipan ni Echiverri na ilibre ang togang gagamitin ng mga magsisipagtapos na estudiyante. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANIYA

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHI

ECHIVERRI

LORDETH BONILLA

RECOM

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with