^

Metro

Obrero hulog sa ginagawang tower, lasog

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang obrero makaraang mahulog umano mula sa construction site ng isang tower na kanyang pinag­tatrabahuhan ilang minuto matapos ang pakikipag-inuman sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Kinilala ang nasawi na si Castor Corpin Jr., 37, scaffold­ing installer at residente sa Panayon, Meycuayan Bulacan.

Siya ay natagpuan na lamang ng kanyang mga kasa­mahang nakabulagta sa base­ment ng Portorita Tower sa P. Tuazon Blvd., corner 14th Avenue, Cubao, ilang minuto ma­ka­raang umalis mula sa ka­nilang inuman.

Ayon kay PO1 Hermogenes Capili, may-hawak ng kaso, hindi naman nila matukoy kung saang palapag nahulog ang biktima dahil walang nakasaksi sa nasabing pangyayari.

Gayunman, tinitignan nila ang anggulong suicide dahil base sa pahayag ng kanyang mga kasamahan, bago nang­yari ang insidente ay nagtapat umano ng kanyang problema ang biktima tungkol sa kanyang pamilya.

Ipinahayag pa ng na­sawi sa kanyang mga kasama­han ang problema at nagbigkas pa ito ng katagang “Malay n’yo, bukas hindi na tayo magkita.”

Hindi naman pinansin ng mga kasamahan ang sinabi ng biktima, at makalipas ng ilang minuto matapos magpaalam ng huli ay narinig na lamang ang malakas na kalabog mula sa basement nito.

Nang tingnan nila ay saka natuklasan ang biktima na naka­handusay dito at wala nang buhay.

Sinasabing ang biktima ay may walong anak na tinata­guyod sanhi marahil ng kan­yang problema, ayon pa sa pulisya. (Ricky Tulipat)

AYON

CASTOR CORPIN JR.

CUBAO

GAYUNMAN

HERMOGENES CAPILI

MEYCUAYAN BULACAN

PORTORITA TOWER

RICKY TULIPAT

SHY

TUAZON BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with