^

Metro

2 todas sa ligaw na bala

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang ginang at isang lolong cigarette vendor ang parehong nasawi matapos na tamaan ng mga ligaw na bala sa magka­hiwalay na lugar sa Caloocan at sa Parañaque City.

Hindi na umabot nang buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa dibdib ang ginang na si Pilar de Asis, 40, nakatira sa  KBS Compound, Caloocan City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police, na­ganap ang insidente dakong alas- 9:30 ng gabi sa kahabaan ng Lourdes St., sa nabanggit na siyudad.

Napag-alaman, na dala­wang hindi pa nakikila­lang lalaki ang nag-aaway sa nasabing lugar kung saan isa dito ang nagbunot ng baril at pinapu­tukan ang katalo.

Minalas na ang ginang ang tinamaan ng bala  na noon ay naglalakad sa lugar pauwi sa kanilang bahay. Agad din na­mang nagsitakas ang suspect maging ang nakatalo nito.

Samantala sa Parañaque City, patay din ang isang lolong cigarette vendor matapos tamaan ng ligaw na bala buhat sa baril ng isang tsuper na ang target sanang paputukan ay ang nakaaway na truck driver dahil lamang sa sim­pleng away trapiko, kamaka­lawa ng gabi sa service road ng South Luzon Ex­pressway sa Parañaque City.

Nakilala ang nasawi na si Samson Glumalid, 58, ng Block 41, Lot 4, Phase 4, Brgy. Upper Bicutan, Taguig City, nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa isang sumpak.

Samantala, nakakulong naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Fred Magra­mo, 29, ng Manganan Soldier Hills, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa ka­ha­baan ng East Service Road, SLEX, Brgy. San Martin de Porres, ng nabang­git na siyudad.

Nabatid na isang hindi kilalang truck driver ang naka-argumento ng suspek hinggil sa hindi pagkakaunawaan sa trapiko.

Kinuha ng suspek ang na­katago nitong sumpak upang paputukan ang nakaaway nitong truck driver, subalit mi­nalas na tinamaan sa ulo ang biktima habang ito ay nagti­tinda naman ng sigarilyo.

Nag­tangka pang tumakas ang suspect subalit hinabol din ito ng kagawad ng Skyway na naging dahilan ng kanyang pag-aresto.

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CITY

EAST SERVICE ROAD

LOURDES ST.

MANGANAN SOLDIER HILLS

MUNTINLUPA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with