^

Metro

Dahil sa away trapiko: Mister tinodas sa harap ni misis

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister matapos barilin ng riding in tandem sa harap ng kanyang asawa na nagdiriwang ng kaarawan, dahil lamang sa simpleng away trapiko sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Isang tama ng bala sa batok ang sanhi upang hindi na umabot pang buhay sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Rosauro Dorado, 40, residente ng Spring Country, Brgy. Silangan sa lungsod.

Nahihira­pan namang matukoy ng awtoridad ang pag­kakakilanlan ng mga suspect dahil kapwa naka­suot ng helmet ang mga ito at hindi rin nakuha ang plaka ng sinasakyan nilang motorsiklo.

Ayon kay Chief Insp. Benjamin Elenzano, hepe ng Homicide section ng Quezon City Police, ang simpleng pagtatalo sa kalsada ang ugat ng pamamaril.

Nabatid na muntik nang magkabanggaan ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima at motorsiklo na sinasakyan naman ng mga suspect habang kapwa tina­tahak ang Himlayan Road, sa Brgy. Pasong Tamo.

Lumilitaw na nangyari ang insidente ganap na alas-7:15 ng umaga, habang sakay ng isang XRM Honda ang biktima at angkas ang asawang si Charito papuntang Himlayan Ceme­tery para dumalaw sa namayapa niyang biyenan.

Pagsapit sa nasabing lugar, ay muntik nang makabanggaan nito ang isang motorsiklo na sina­sakyan ng mga suspect.

Sinabi ni Elenzano, sa naturang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at mga suspect kung saan nagpalitan pa ng ma­samang salita hanggang sa ma­awat ang mga ito ni Charito.

Agad na umalis ang mga biktima sakay ng kanilang motorsiklo, ngunit hindi pa sila naka­kalayo ay sinundan na sila ng mga suspect saka binaril ang una sa batok bago nagsitakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BENJAMIN ELENZANO

BRGY

CHARITO

CHIEF INSP

HIMLAYAN CEME

HIMLAYAN ROAD

PASONG TAMO

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with