^

Metro

Gasa naiwan sa katawan ng ginang

-

MANILA, Philippines - Nagharap ng mga ka­song administratibo at hiniling din ng isang ginang sa Professional Regulation Commission (PRC) na ba­wi­an ng lisensiya at sus­pen­dihin ang dalawang dok­tor ng Philippine Gene­ral Hos­ pital (PGH) dahil sa kapa­bayaang pagkaiwan ng gasa sa loob ng kan­yang katawan nang siya ay mag­silang ng sanggol noong nakalipas na taon.

Kasong  grave/serious misconduct at unprofes­sional, negligent actua­tions ang inihaing reklamo ng biktimang si Janet Di­zon, 26, computer design operator, ng Signal Village Taguig City sa PRC Legal Division laban kina Dr. Maricel Reyes at Dr. Gody Magnolia Albito, kapwa naka-assign sa PGH- Obs­tetrics and Gynecology department.

Sa reklamo ni Dizon, Hunyo 20, 2009 ay nag­silang siya ng sanggol at makalipas ang dalawang linggo ay lumabas siya sa ospital. Hulyo 5, 2009 nang makaramdam siya ng sakit sa ari at paglalagnat.

Dahil sa lumalabas na likidong kulay puti at pa­tuloy na pananakit ng ka­se­lanan, nagpakonsulta siya sa Jose Reyes Me­morial Medical Center (JRMMC)  noong Hulyo 22, 2009 at nilinis ang kan­yang matris  sa nabubulok at mabahong bagay sa loob nito.

Nabatid na itinanggi na ni Dr. Reyes ang alegas­yon sa pagsasabing “I have performed repeated bi-manual examinations with due care and diligence on the patient. Another re­sident did the same as well. I have complied with the duties required of an obstetrician consistent with the standard operating pro­cedure of the Department of Obstetrics and Gyneco­logy of the Philippine Ge­neral Hospital.” 

Gayundin ang pag­tang­gi ni Dr. Albito sa affi­davit na nagsabing “That we routinely do discharge internal examination on patients who delivered vaginally… That, during the time of examination, I observed that episiotomy site was intact, the uterus was well contracted, no active vaginal bleeding, no OS (surgical gauze) was found in the vagina.”

Gayunman, handa umano ang misis na ilaban ang nangyari sa kanya dahil sa kapabayaan ng mga manggagamot. (Ludy Bermudo)

DEPARTMENT OF OBSTETRICS AND GYNECO

DR. ALBITO

DR. GODY MAGNOLIA ALBITO

DR. MARICEL REYES

DR. REYES

HULYO

JANET DI

JOSE REYES ME

LEGAL DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with