Pulis, 5 timbog sa drug-bust

MANILA, Philippines - Muling nakapuntos ang hanay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa mga kila­bot na sindikato ng droga matapos na malambat ang anim na miyembro nito ka­bilang ang isang alagad ng batas sa magka­hiwalay na operasyon sa Manila at Bulacan.

Iprinisinta ni Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago, PDEA Direc­tor General ang mga sus­pect na sina PO2 Christo­pher Lee, Cesar Curabo, Con­rado Este­ban, Raya Ras­kal, Ben­jamin Pasquin at Fran­cisco Chua.

Ayon kay Santiago, si PO2 Lee, nakatalaga sa active fingerprints division ng Camp Crame, ay na­da­kip sa isang buy-bust ope­ration sa Maynila ma­ta­pos na magbenta ng P80,000 halaga ng shabu sa isang poseur-buyer ng PDEA.

Samantala, nadakip naman ang mga kasama­han nito na sina Curabo, Esteban, Raskal, Pasquin at Chua sa San Jose Del Monte, Bulacan, sa isa ring buy-bust operation ng tropa ng PDEA special en­force­ment Service, PDEA re­gional Office 3 at PNP-RO3 Regional Intel­ligence Division.

Ayon kay Santiago, sa pagsalakay sa nasabing lungga ng mga suspect ay nakipagpalitan pa ang mga ito ng putok sa tropa ng PDEA kung saan na­suga­tan si Curabo at di­nala sa Far Eastern Uni­ver­sity Hospital para ma­gamot.

Dagdag ng heneral, sa ngayon patuloy ang ope­ras­yon ng kanilang hanay laban sa iba pang kasa­ma­han ng grupo dahil guma­gamit na ang mga ito ng net­working sa kanilang iligal na operasyon.

Show comments