Vendors ng 'samalamig' timbog sa magic sugar

MANILA, Philippines - Sinalakay ang mga samalamig na vendors sa ka­habaan ng Juan Luna at C.M. Recto Avenue matapos makakuha ng impormasyon ang Manila Police District-Station 2 kahapon hinggil sa paggamit ng mga ito ng magic sugar ng kanilang panindang inumin.

Kinumpiska ang mga paninda ng halos lahat ng vendor ng palamig na gulaman, sago, buko at iba pang flavor na may inihalong magic sugar o Neotogen na masama sa kalusugan dakong alas-12 ng tanghali ka­hapon. Nasamsam ang mga basyong plastic na pinag­lagyan ng magic sugar at ilan pang natitirang may naka­silid na magic sugar, na pawang nagmula sa bansang Indonesia na ibinabagsak lamang umano sa mga vendor ng isang suplayer mula sa Quiapo, Maynila.

Umaamin ang mga vendor na matagal na silang guma­gamit ng magic sugar dahil matipid at hindi ma­daling tumabang ang tamis kung madalas ang pagla­lagay nila ng yelo. (Ludy Bermudo)

Show comments