3 suicide naitala sa MM
MANILA, Philippines - Tatlong magkakasunod na suicide ang naitala ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila, Las Piñas at Navotas.
Sa San Andres, Maynila, isang 26-anyos na lalaki na nakilalang si Christian del Rosario ang nagbigti matapos umano na hindi matanggap ang pag-iwan sa kanya ng kanyang ka-live-in at isinama pa ang kanilang 5-anyos na anak kahapon ng madaling-araw.
Natagpuan ang isang suicide note ng paghingi nito ng patawad sa kanyang ama at paghahabilin na rin sa kanyang naiwanang anak.
Samantala, dahil umano sa sama ng loob matapos makasagutan ang kanyang ama dahil sa problema ng pamilya, isang 19-anyos na dalaga ang nasawi nang lumagok ito ng isang bote ng silver cleaning solution sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Patay na nang idating sa Tondo Medical Center si Kimberly Anes, 19, ng Phase 1, North Bay Blvd. South ng lungsod.
Nabatid na alas-2 ng madaling-araw, narinig nang mga kasambahay ng biktima ang paghingi nito ng tubig at nang tingnan ay nagsusuka na ito. Isang botelya ng silver cleaning solution ang nakita sa tabi ng biktima.
Sa Las Piñas nasawi rin si Chua Bun Tiong, ng Real St., Brgy. Talon 1, ng nabanggit na lungsod matapos itong magbigti.
Dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang nasawi ng kanyang anak na si Marieta Benito, 44, mismo sa loob ng kuwarto nito sa nabanggit na lugar. Kawad ng kuryente ang ginamit nito sa pagbibigti.
Hinihinalang matinding sakit na nararamdaman matapos sumailalim sa isang operasyon ang posibleng nagtulak dito kaya nagawa ang pagpapakamatay.
Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa tatlong kaso ng suicide para matiyak na walang naganap na foul play sa mga insidente.
- Latest
- Trending