^

Metro

BIR binulabog ng bomb threat

-

MANILA, Philippines - Nabalot ng tensyon ang main office ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ma­tapos na bulabugin ang mga empleyado nito ng ban­tang pagpapasabog sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Dahil dito, pansamanta­lang nahinto ang gawain ng hindi kukulangin sa 1,000 em­pleyado ng nasabing tang­gapan sa Agham Road matapos na magsipaglaba­san ang mga ito sa matinding takot.

Nag-ugat ang kaguluhan nang isang tawag mula sa telepono ang natanggap ng empleyadong si Imelda Bon­doy pasado alas-10 ng umaga sa personnel division mula sa isang lalakeng caller na nag­sasabing may bomba na sasabog sa tanggapan pa­sado alas- 10 ng umaga.

Agad namang rumisponde ang SWAT ng Quezon City Police sa pamumuno ni Insp. Arnulfo Franco, at sinimulang suyurin ang kabuuan ng gu­sali upang matukoy ang bomba. Tumagal ng halos 30 mi­nu­to ang paggalugad na ginawa ng operatiba ngunit nabatid na negatibo ito sa bomba. (Ricky Tulipat)

AGHAM ROAD

ARNULFO FRANCO

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DAHIL

IMELDA BON

NABALOT

QUEZON

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with