200 jail guards nag-donate ng dugo
MANILA, Philippines - Umaabot sa 200 jail officers mula sa National Capital Region, Region 3 at 4 ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nakilahok sa blood-letting ng kawanihan kaugnay ng programang “Dugong Alay Ko Dugtong ng Buhay Mo” na isinagawa sa Bicutan Jail.
Ayon kay BJMP chief, Director General Rosendo Dial, tatlong taon na nilang ginagawa ang pagdo-donate ng dugo sa Philippine Heart Center (PHC) Blood Bank.
Sinabi ni Dial na marami ang nakikinabang sa mga dugong nai-donate nila sa PHC bukod pa sa pagkakaroon ng panibagong dugo at maayos na kalusugan ng donor nito.
Nabatid na maging ang tree planting ay kasama rin sa adbokasiya ng BJMP upang buhaying muli ang Pilipinas sa pamamagitan ng mga tanim na halaman at puno. (Doris Franche)
- Latest
- Trending