MANILA, Philippines - Hindi napigil ng mainit na panahon at blackout ang 397 peace advocates para dumalo sa konklusyon ng “Dialogue Mindanaw” ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) kahapon (Lunes, March 15) sa Datu Amirbahar H. Jaafar Convention Center ng Mindanao State University dito.
Ang nationwide consultation ay ikinasa ng OPAPP sa pamumuno ni Sec. Annabelle Abaya upang maisama ang tao, lalo na ang mga stakeholders, sa negosasyon sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamamagitan ng kanilang input, pananaw at rekomendasyon.
Ayon kay Sec. Abaya, ang resulta ng diyalogo ay makatutulong sa peace negotiators ng pamahalaan at MILF na makakita ng totoo at pangmatagalang solusyon sa problema sa Mindanao. Ang Bongao leg ang pinakahuli sa 13-leg consultations, na nagtungo rin sa iba’t ibang lugar sa Mindanao noong nakalipas na mga buwan. Iginiit ni Abaya ang kahalagahan ng pagbibigay ng espasyo sa tao para magsalita ng saloobin ukol sa isyu ng kapayapaan sa Mindanao.
Nalungkot naman si Haj Wilhelmina Aluk Hussin, academe professional na sumama sa small group discussions, na hindi sinamantala ng ilang tao ang pagkakataon para makapaghayag ng opinion.
“Muslim ka man o Kristiyano, dapat ay makisama sa dialogue. Importante na mapaabot ito ng gobyerno sa mamamayan. Hindi dahil Muslim kami ay para sa amin lang ito,” wika ni Hussin.
Naglagay ang gobyerno ng official website (http://www. mapayapangmindanao.info) maliban sa Facebook (http://www. facebook.com/mapayapangmin danao) at Twitter (http://twitter. com/peacemindanao) accounts kung saan direktang makakakuha ang taumbayan ng impormasyon ukol sa ginagawang konsultasyon at forum kung saan puwede silang magpalitan ng opinion at pananaw ukol sa isang partikular na isyu.
Puwede ring iparating ang mga komento sa Min danao peace process sa mga sumu sunod na text lines: 0999-42-PEACE (732-23) para sa Smart users at 0917-83-PEACE (73223) para sa Globe subscribers.