Kaso ni Cuerpo pinaaaksyunan
RODRIGUEZ, RIZAL, Philippines - Nanawagan kahapon ang ilang residente ng bayang ito sa Office of the Ombudsman na aksyunan na ang matagal nang nakabimbing kasong administratibo laban sa sus pendidong si Mayor Pedro Cuerpo kaugnay ng pagkakasangkot umano nito sa “illegal logging” sa lalawigang ito.
Base sa rekord, isinampa ng DENR ang kasong administratibo laban kay Cuerpo noong Agosto 2006.
Ito’y makaraang masakote ng mga tauhan ng DENR ang isang delivery ng 1,062 pirasong trosong Lauan at Narra na nagkakahalaga ng P1.5 milyon noong Hunyo 22, 2006 na gagamitin umano sa paggawa ng paaralan sa Rodriguez sa kabila ng umiiral na “log ban.”
Ayon kay DENR Region 3 Director Regidor de Leon, nagpalabas ng isang undated memorandum si Cuerpo sa isang nagngangalang Carlito Ciriaco para kunin ang mga logs mula sa Barangay Puray para ga mitin sa paaralan. Kinuha ang nasabing mga troso sa Angat Water Basin, ang siyang ngayon ay pinagkukunan ng maraming kuryente lalo sa Metro Manila at Luzon. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending