MANILA, Philippines - Nabuko ang ginawang panghahalay ng isang binatilyo sa ka-texmate nitong nene dahil lamang sa kiss mark, kamakalawa sa Caloocan City.
Inaresto ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Jun, 17, ng Velasco st., ng lungsod na ito. Sa reklamo sa pulisya ng biktima na itinago sa pangalang Mimi, 13, ng Brgy. Ugong, Valenzuela City, nakilala niya sa text ang suspek at napagkasunduan magkita kamakalawa ng tanghali sa 4th Avenue, Caloocan City .
Niyaya ng suspek ang biktima sa kanilang bahay na pinagbigyan naman ng huli subalit nang maggagabi na at uuwi na ang dalagita ay hindi ito pinayagan ni Jun sabay tutok ng patalim.
Dinala sa kuwarto ang dalagita at habang nakatutok ang patalim ay nagawang mahalay ni Jun ang biktima. Magdamag na pinagsamantalahan ng suspek ang biktima at kinaumagahan lamang ito pinayagang makauwi.
Pag-uwi ay agad na tinanong ng mga magulang ang biktima kung saan ito nanggaling hanggang sa mapansin ang mga tsikinini nito sa leeg. Pinagtapat na ng biktima ang kanyang sinapit sa suspek na naging dahilan upang samahan sa presinto ang dalagita at ipinadakip ang suspek. (Lordeth Bonilla)