^

Metro

Mobile clinic pinasinayaan

-

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Quezon City Mayor Feliciano Bel­monte Jr. ang inagurasyon sa unang mobile health center ng Quezon City at ang bagong police station building sa Fairview.

May halagang P6 milyon ang inilaan ng pamahalaang lokal ng QC para magkaroon ng mobile clinic na lumilibot sa iba’t ibang lugar sa lunsod para sa nangangailangang serbisyong medical ng mga residente rito.

Meron itong laboratory at dental facilities gayundin ang   examination room na pina­ngangasiwaan ng mga doctor, dentista at health workers mula sa city health de­partment.

Unang iikutin nito ang Cubao sa Marso 24 kasabay ng voluntary counseling at testing program na isasagawa ng health department sa mga residente doon hinggil sa kung paano maiiwasan ang nakamamatay na sakit na sexually transmitted diseases.

Kasama ni SB sina Vice Mayor Herbert Bautista at city health department head Dr. Antonieta Inumerable sa naturang inagurasyon sa QC Hall grounds. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

CUBAO

DR. ANTONIETA INUMERABLE

FAIRVIEW

KASAMA

MARSO

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BEL

VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with