^

Metro

Pacquiao-Clottey Fight gagawing libre

-

MANILA, Philippines - Mapapanood nang libre bukas dakong alas-8:00 ng umaga sa anim na sports complex sa Maynila ang laban ni Pinoy Boxing Champ na si Manny Pacquiao at African boxer Josua Clottey na gaganapin sa Cowboy Stadium­, Arlington, Texas.

Nakatakda namang mamahagi ng libreng admission ticket si Manila Mayor Alfredo Lim upang mapanood nang live at libre ang Pacquiao-Clottey fight sa mga sports complex na kinabibilangan ng Tondo Sports Complex, Dist.1; Patricia Sports  Complex, Dist. 2; Rasac Covered Court, Dist. 3; Dapitan Sports Complex, Dist. 4; San Andres Sports Complex, Dist 5; at Teresa Covered Court sa District 6.

Pinayuhan ni Lim ang mga taga Maynila, na pumunta lamang sa mga sports complex na nakatalaga sa ka­nilang mga tiket nang maaga upang maiwasan ang paki­kipagsiksikan.

Inaanyayahan din ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga residente ng lungsod na panoorin nang libre ang live na laban nina Pacquiao at Clottey na pinamagatang “The Event” sa Linggo sa magkakahiwalay na lugar dito.

Mapapanood ang laban sa Barangay 185 Covered Court; Pag-Asa Elementar­y School, Phase 7, Bagong Silang; Kalayaan High School Covered Court, Brgy. 177; Phase 1, Bagong Silang Covered Court; Camarin High School, Brgy. 174; Camarin D. Elemen­tary School; Bagumbong High School/Urduja Covered Court; Deparo Covered Court; Kay­biga Covered Court; Sta. Quiteria Elementary School; Brgy. 152 Covered Court at Victory Mall. (Doris Franche)

BAGONG SILANG

BAGONG SILANG COVERED COURT

BAGUMBONG HIGH SCHOOL

BRGY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CAMARIN D

COURT

COVERED

COVERED COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with