^

Metro

25 pulis sa Parañaque shootout, kinasuhan ng murder

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Kinasuhan na ng Depart­ment of Justice (DOJ) sa Pa­ra­ñaque Regional Trial Court (RTC) ng kasong 2 counts ng murder ang 25 pulis na sang­kot sa naganap na Parañaque shootout na rito nadamay na nasawi ang isang mag-ama noong 2008.

Isinampa ang kaso ma­tapos na makakita ng pro­bable cause si  DOJ State Pro­se­cutor Stewar Allan Mariano na magpapatunay na sangkot ang mga suspek sa pagpatay kay Alfonso “Jun” de Vera at sa anak nitong si Lia Allan, 6, na naipit sa bari­lan sa pagitan ng mga opera­tiba ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) noong  Disyem­bre 5, 2008 sa United Para­ñaque Subdivision IV.

Bukod sa mga biktima, ka­bilang din sa napatay sa na­sabing shootout ang 14 katao na miyembro ng rob­bery group na Waray-Waray Ozamis gang.

Kabilang sa mga kinasu­han sina Superintendent Jo­nathan Calixto, Chief Ins­pector Hermogenes Cabe, Senior Inspector Abraham Abayari, Inspector Erikson Roranes, Inspector Ludivico Cordova, PO1’s James Yo­dong, Allan Apil, Efren Ang­cuan, Lloyd Bulayungan, Nemesio Gano at Sherwin Maybanting, PO3’s Hagar Torres, Jericho Otadoy, Guil­bert Lopez, Felix Base, Eugene Papat, at  Policar­pio Jose, Jr. na pawang mga miyembro ng PNP-SAF.

Kinasuhan din ang mga miyembro ng  Highway Patrol Group (HPG) na sina Chief Inspectors Lawrence Cajipe, Joel Mendoza, Gerardo Bala­tucan; PO3’s Jolito Mamanao Jr. at Fernando Rey Gapuz;  PO2’s  Eduardo Blanco at  Edwin Santos; at PO1 Josil Rey Lucena.

Walang inirekomendang piyansa ang DOJ para sa pansamantalang kalayaan ng mga nasabing pulis.

Pinagbasehan ng DOJ ang testimonya ng mga testigo na sina  Hilardio Diaz at  Ronald Castillo kung saan sinabi ng mga ito na hindi napatay ang mag-ama sa shootout kundi bigla na lamang pinaulanan ng bala ng mga pulis ang Isuzu Cross­wind na sinasakyan ng mag-amang De Vera na naging sanhi ng agarang kamatayan ng mga ito.

Nakasaad din sa reso­lution ng  DOJ na mayroong 80 piraso ng bala na tumagos sa sasakyan ni De Vera na nag­ papakita na maraming pulis ang rumatrat sa mag-ama.

Inabsuwelto naman ng DOJ si retired police director General Leopoldo Bataoil na siya noong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) gayundin sina director Leocadio SC San­tiago Jr., chief ng PNP-SAF at Chief Supt. Perfecto Palad, hepe naman ng PNP-HPG.

Absuwelto rin si Supt. Eleuterio Gutierrez Jr. na siyang ground commander na kabilang sa mga nasugatan sa naganap na shootout.

Iginiit ng DOJ na si Gu­tierrez ay mistulang wala nang kakayahan bilang ground com­mander dahil sa mga sugat na tinamo nito at naging paralisado na rin.

May teorya naman ang DOJ na nang masugatan si Gutierrez ay nagkaroon na ng kalituhan ang mga tauhan nito kaya’t napatay ang mag-amang De Vera.

ALLAN APIL

CHIEF INS

CHIEF INSPECTORS LAWRENCE CAJIPE

CHIEF SUPT

DE VERA

DOJ

EDUARDO BLANCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with