Bautista-Belmonte wagi sa Quezon City market survey
MANILA, Philippines - Inilampaso nina Herbert “Bistek” Bautista at Joy Belmonte ang kani-kanilang mga kalaban sa pagka-mayor at vice mayor ng Quezon City.
Ang survey ay ginawa noong huling linggo ng Pebrero ng SmartLearn Media at Makakalikasang Manininda sa Murphy Market Inc. (M4). Kabilang sa mga tumugon sa survey ang 150 stallholders, vendors, helpers at ambulant vendors.
Nakatanggap si Bistek ng 119 boto (79 percent); Joy, 123 boto (82.6 percent); Michael Defensor, 27 boto (18 percent); Aiko Melendez, 25 boto (16.6 percent); Annie Susano, 4 boto (2.6 percent); at Janet Malaya, 2 boto (1.3%).
Hindi nakatanggap ng anumang boto ang iba pang kandidato sa pagka-mayor at vice-mayor.
Ayon kay Wilma S. Metrillo, pangulo ng M4, inilampaso ng Bistek-Joy tandem ang kani-kanilang mga kalaban dahil sa mahusay na pamamalakad ni incumbent Mayor Feli ciano Belmonte at Vice Mayor Bautista.
Sinabi naman ni Rose de la Rosa-Yap, tindera ng manok, na dahil sa suporta ng mga manininda sa walong public market sa Quezon City, napakahirap talunin ang tandem nina Bistek at Joy.
Ayon kay Lino Soriano ng SmartLearn Media, kahit na bago pa lamang sa pulitika si Joy Belmonte, siya ay paborito na ng mga botante dahil sa kanyang ganda, karisma, talino at appeal sa mga mahihirap.
- Latest
- Trending