Mga kandidato sa Maynila, pumirma sa covenant

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng papa­la­pit na kampanya sa local level, ipinasya  ng tatlong tatakbong alkalde sa lung­sod ng Maynila na dumalo sa covenant signing na ginanap sa Manila Police District (MPD) Head­quarters kahapon.

Pinangunahan ni Ma­nila Mayor Alfredo Lim, dating PNP chief District General Avelino Razon at dating Environment Secre­tary Lito Atienza ang pir­mahan na sinundan na­man ng  mga tumatak­bong kongresista at kon­sehal mula sa una hang­gang sa ika-anim na dis­trito ng lungsod.

Ang proyekto ay isina­gawa ni  MPD director Chief Supt. Rodolfo Mag­tibay  upang matiyak na ma­linis at maayos ang ga­ganaping halalan sa lungsod.

Sinabi ni Lim na supor­tado niya ang proyektong ito kung kaya’t hindi niya maunawaan kung bakit panay ang pagpapalabas ng black proganda saman­talang hindi pa nagsisimula ang kampanya sa local level. (Doris Franche)

Show comments