Mga kandidato sa Maynila, pumirma sa covenant
MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng papalapit na kampanya sa local level, ipinasya ng tatlong tatakbong alkalde sa lungsod ng Maynila na dumalo sa covenant signing na ginanap sa Manila Police District (MPD) Headquarters kahapon.
Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim, dating PNP chief District General Avelino Razon at dating Environment Secretary Lito Atienza ang pirmahan na sinundan naman ng mga tumatakbong kongresista at konsehal mula sa una hanggang sa ika-anim na distrito ng lungsod.
Ang proyekto ay isinagawa ni MPD director Chief Supt. Rodolfo Magtibay upang matiyak na malinis at maayos ang gaganaping halalan sa lungsod.
Sinabi ni Lim na suportado niya ang proyektong ito kung kaya’t hindi niya maunawaan kung bakit panay ang pagpapalabas ng black proganda samantalang hindi pa nagsisimula ang kampanya sa local level. (Doris Franche)
- Latest
- Trending