^

Metro

Police colonel kritikal sa ambush

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang mataas na opis­yal ng Philippine National Police (PNP) ang nasa kri­tikal na kondisyon ma­tapos na ambusin ng mga armadong riding in tandem sa mataong lugar sa lungsod Quezon ka­hapon ng hapon.

Ang biktima na gina­gamot ngayon sa V. Luna hospital bunga ng mga tama ng bala sa tagiliran ay kinilalang si Supt. Napoleon Cauyan, uma­no’y dating miyembro ng Traffic Management group ng PNP.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, nangyari ang insidente sa may Mati­puno St., Brgy. Pinyahan sa lungsod, ganap na ala-1:30 ng hapon.

Diumano, sakay ng kanyang Nissan Navarra pick up (NIE-587)  ang bik­tima nang biglang sumulpot ang mga sus­pect at paulanan ito ng bala.

Ayon sa ilang saksi, tinadtad ng mga suspect ang salamin sa driver’s seat kung saan nakaupo ang biktima. Sa kabila ng sugat na natamo ay na­gawa pa nitong maitakbo ng ilang metro ang sa­sakyan hang­gang sa bumalandra ito sa Ma­galang St.

Matapos nito, nagawa pang bumaba ng sasak­yan si Cauyan, pero dahil sa mga tama ng bala na natamo ay bumulagta na rin ito sa kalsada, habang ang mga suspect naman ay mabilis na nagsipag­takas.

Sa kasalukuyan, pa­tuloy pa rin ang isinasa­gawang imbestigasyon ng awtoridad sa nasa­bing insidente.

AYON

BRGY

CAUYAN

DIUMANO

ISANG

NAPOLEON CAUYAN

NISSAN NAVARRA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

TRAFFIC MANAGEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with