Negosyante itinumba
MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nasawi nang patraydor na barilin ng isang hindi nakikilalang salarin habang naglalakad siya sa Commonwealth Avenue, Quezon City kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si George Gonzales, 44, may-asawa ng # 25 Bicol Leyte St., Barangay Commonwealth.
Sa ulat ni SPO2 Mario Turiano, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa panulukan ng Kaunlaran St. at Commonwealth Avenue bandang alas-9:00 ng gabi.
Naglalakad ang biktima sa lugar matapos na mangulekta ng kanyang pautang sa mga kliyente nang biglang sumulpot sa likuran nito ang salarin at barilin.
Nang masigurong patay ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang suspek sa hindi mabatid na direksyon. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending