MANILA, Philippines - Mas mainit na panahon ang mararanasan sa Metro Manila sa susunod na linggo at posibleng pumalo ang temperatura nito sa 36 degrees celsius hanggang 37 degrees celsius.
Ito ang sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration bilang babala sa mga residente sa inaasahang matinding init ng panahong mararanasan sa susunod na linggo.
Ang mataas na temperatura, ayon sa PAGASA, ay mararamdaman simula Lunes hanggang Miyerkules sa kalakhang Maynila ha bang posibleng makaranas naman ng 37 -degrees Celsius sa bahagi ng Cagayan Valley.
Ang pinakamainit na panahon sa Metro Manila ay naitala sa Quezon City na may 35.8 degrees Celsius na umano’y pinakamataas ngayong taon sa National Capital Region at 37°C naman sa Tuguegarao na siyang pinakamainit sa buong bansa.
Nitong nakaraang Sabado, katamtamang temperatura ang naramdaman na mas mataas noong nakaraang Miyerkules kung saan naramdaman sa Metro Manila ang 35.5-degree na init.
Sinabi pa ng Pag-asa, maaring maramdaman ang ganitong katinding init sa kalagitnaan ng Mayo at inaasahang magkakaroon ng pag-ulan.