^

Metro

3 araw pa: Init sa MM aabot sa 37 C

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Mas mainit na pana­hon ang mararanasan sa Metro Manila sa su­sunod na linggo at po­sibleng pumalo ang temperatura nito sa 36 degrees celsius hang­gang 37 degrees cel­sius.

Ito ang sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration bilang ba­bala sa mga resi­dente sa inaasahang ma­tin­ding init ng pa­nahong ma­rarana­san sa susu­nod na linggo.

Ang mataas na tem­peratura, ayon sa PAG­ASA, ay mararamda­man simula Lunes hang­gang Miyerkules sa kalakhang Maynila ha­ bang posibleng ma­ka­ranas naman ng 37 -degrees Celsius sa bahagi ng Cagayan Valley.

Ang pinakamainit na panahon sa Metro Manila ay naitala sa Que­zon City na may 35.8 degrees Celsius na umano’y pinakamataas ngayong taon sa National Capital Region at 37°C naman sa Tugue­garao na siyang pinaka­mainit sa buong bansa.

Nitong nakaraang Sabado, katamtamang temperatura ang na­ram­daman na mas mataas noong naka­raang Miyer­kules kung saan naram­daman sa Metro Manila ang 35.5-degree na init.

Sinabi pa ng Pag-asa, maaring maram­da­man ang ganitong katin­ding init sa kala­gitnaan ng Mayo at inaasahang mag­­kaka­roon ng pag-ulan.

CAGAYAN VALLEY

MAYNILA

METRO MANILA

MIYER

MIYERKULES

NATIONAL CAPITAL REGION

NITONG

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with