Rider todas sa riding in tandem
MANILA, Philippines - Patay ang isang rider makaraang sabayan ng riding in tandem at ratratin habang tinatahak ang C-5 Road, sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.
Dalawang tama ng bala sa tagiliran ang tinamo ng biktimang si Anthony Dizon, ng Bagong Silang, Caloocan City na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang insidente.
Naganap ang pangyayari dakong alas-10 ng gabi sa harap ng MWSS sa C-5 Road Katipunan Avenue, Bryg. Pansol ng nabanggit na lungsod.
Bago nito, sakay ang biktima ng kanyang Honda XRM (7013-PR) at tinatahak ang naturang lugar nang biglang tabihan ito ng isang motorsiklo sakay ang dalawang kalalakihan at walang sabi-sabing malapitang pinutukan ng baril ng backrider. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending