^

Metro

Casino financier hanap sa Mayor murder

-

MANILA, Philippines - Isang casino financier na itinago sa alyas “Flower” ang hanap ngayon ng Task Force Mayor makaraang matukoy na siyang huling nakausap ni jueteng whistle blower Wilfredo Mayor bago ito tambangan at paslangin ng apat na salarin sa Pasay City.

Sinabi ni TF Mayor head at Pasay City police chief, Sr. Supt. Raul Petrasanta, may mga ta­uhan na siyang nakikipag-ugna­yan kay Flower upang kumbin­sihin na maimbitahan at maku­hanan ito ng pahayag na tiyak na makakatulong sa isinasa­gawa nilang imbestigasyon.

Natuklasan din ng Task Force na may P12 milyon piso uma­nong pagkakautang si Mayor sa isang financier ng Casino Filipino sa Heritage Hotel, bukod pa sa ilang casino na madalas uma­nong puntahan nito.

Nagtataka naman ngayon ang pulisya na kawalang koordinasyon sa imbestigasyon ng nasugatang bayaw ni Mayor na si Allan Benedict Castro. Ta­nging ang abogada ni Castro ang humaharap sa mga imbes­tigador sa tuwing tatangkain ng pulisya na mahingan ito ng kaukulang salaysay upang makapagbigay linaw sa isina­sagawang imbestigasyon.

Nakatakda rin namang humi­ngi ng tulong ang task force sa National Telecommunications Commission (NTC) sa posibilidad na ma-retrive ang naging pakikipag-usap ni Mayor sa cellphone nito na inaasa­hang malaking tulong sa imbes­tigasyon.

Posible umanong nasa City Star Hotel and Casino rin ang ang mga utak sa krimen at sila ang nagbibigay ng imporma­syon sa mga gunmen nang umalis na si Mayor at mga ka­sama sakay ng kotseng Volvo kaya’t tukoy ng mga suspect kung saan nakaupo ang kani­lang target. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALLAN BENEDICT CASTRO

CASINO FILIPINO

CITY STAR HOTEL AND CASINO

DANILO GARCIA

HERITAGE HOTEL

MAYOR

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

PASAY CITY

RAUL PETRASANTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with