^

Metro

Pamilya nalason sa salay-salay, 1 patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipasuri ng Pasay City police ang sam­pol ng pinangat na isdang salay-salay sa Bureau of Food and Drugs upang ma­batid kung ito ang sanhi ng pagkalason ng anim na mi­yembro ng isang pa­milya kung saan nasawi ang isang 74-anyos na lolo, kama­ka­lawa ng hapon.

Tumanggi naman ang mga kapamilya na ipa-otopsiya ang bang­kay ni Lolo Guillermo Hernan­dez, ng No.163 St. Claire Street, Brgy. Maricaban, Pasay City. Nananatili namang ino­obserbahan sa Pasay City Ge­neral Hospital sina Marian Boque, 30; mga anak nitong sina Mikaela, 7; Catherine, 8; bayaw na si Virgilio Her­nandez, 14; at pa­mang­kin na si Alfea Torres, 3-anyos.

Sa ulat ni PO3 Simon Res­picio, ng Pasay Station Investigation and Detective Management Section, ta­nging pina­ngat na salay-salay ang kinain ng pamilya sa kanilang ha­pu­nan na binili ni Marian noong Miyer­kules ng hapon sa isang tali­papa. Pinanin­digan ni Marian na hindi bilasa ang nabili niyang isda dahil sa wala itong amoy.

Kamakalawa ng umaga, pawang nagrek­lamo ng pana­nakit ng tiyan, pag­susuka ang buong pa­milya kaya nagtungo na ang mga ito sa paga­mutan. Na­iwan naman ang kani­lang lolo.

Dakong alas-4:30 ng hapon kahapon nang isugod na ng kanilang mga kapit­bahay si Her­nandez sa pare­hong ospital nang magrek­lamo na rin ito ng ma­tinding sakit ng tiyan ngunit hindi na umabot ng buhay.

ALFEA TORRES

LOLO GUILLERMO HERNAN

MARIAN BOQUE

PASAY CITY

PASAY CITY GE

PASAY STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

SHY

SIMON RES

ST. CLAIRE STREET

VIRGILIO HER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with