^

Metro

Buriki gang sumalakay uli sa BOC

-

MANILA, Philippines - Muli na namang su­ma­­la­kay ang tinaguriang “Buriki gang” sa loob ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs (BOC).

Ito ay matapos na madiskubre na nawa­wala ang mga mama­haling elec­tronic gadgets na na­katago sa Warehouse 159 sa Port of Manila.

Base sa nakuhang dokumento mula sa Customs Security warehouse kabilang sa mga nawa­wala ang flat-screen tv sets, kahon ng Nikon single lens reflex (SLR) cameras, 10 piraso ng Sony Portable Playsta­tion units, kahon ng JVC car stereo at tatlong piraso ng Panasonic wireless phones.

Bukod sa mga ito na­wa­wala din ang tatlong DKNY at Bulgari na pa­ba­ngo, tatlong piraso ng dual shock wireless phones at 10 kahon G-Schock casio watches at marami pang iba.

Kabilang sa mga naka­­lagda sa sample re­ceipts si Michel Verdeflor Asst. Chief Operation ng BOC.

Ang pag atake umano ng “buriki gang “ay naga­nap sa kabila ng pa­ngako ni Customs Commissioner for Intelligence Chief Jairus Paguntalan na ligtas ang 40 footer container van na naglala­man ng mga ma­mahaling electronic gadgets hang­gat nasa kani­lang kusto­diya.

Subalit alam naman umano ni Paguntalan ang paglilipat ng mga kar­ga­mento sa CIIS agents na pinangungu­na­han ng ta­uhan nito na si senior intelligence officer Eric Albano.

Batay sa demanda ng Department of Finance-Revenue Integrity Protection Service (DOF-RIPS) sa Office of the Ombudsman, sina Ver­de­flor at Al­bano ay may­roong naka­binbing mga kasong ad­ministratibo at kriminal dahil sa umano’y mga kwesti­yunableng kaya­ma­­nan ng mga ito. (Gem­ma Amargo-Garcia)

BUREAU OF CUSTOMS

CHIEF OPERATION

CUSTOMS COMMISSIONER

CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE

CUSTOMS SECURITY

DEPARTMENT OF FINANCE-REVENUE INTEGRITY PROTECTION SERVICE

ERIC ALBANO

INTELLIGENCE CHIEF JAIRUS PAGUNTALAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with