^

Metro

3-anyos paslit nahati sa tren

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang na­ging wakas ng isang 3-anyos na batang ba­bae makaraang mahati ang katawan nang ma­gu­lungan ng tren ng Phi­lippine National Railways (PNR), ka­maka­lawa ng gabi sa Muntin­lupa City.

Nakilala ang nasawi na si Sky Morales, ng A Park 3, Brgy. Sucat, ng naturang lungsod.

Tinukoy naman ng mga residente ang tren na may numerong 130 na patungo sa istasyon nito sa Tayuman, Tondo, Maynila. Naki­lala na­man ang operator nito na si Froilan Ollero at ang konduktor na si Ramon Burac.

Sa ulat ng pulisya, naglalaro sa riles ng tren ang biktima sa harapan ng tirahan nito dakong alas-6 ng gabi nang hindi mamalayan ang paparating na tren. Hindi na nagawa pang makapreno ng tren at tuluyang napailalim ang paslit na nakalad­kad pa ng ilang metro ang murang katawan nito.

Inihahanda naman ng pulisya ang kauku­lang kaso na isasampa laban sa operator ng tren bagama’t ami­nado ang pulisya na posib­leng maabsu­welto rin sa kasong kriminal ang operator at konduktor dahil sa panuntunang ipina­iiral ng batas hinggil sa pagbabawal manira­han, tumambay o mag­laro sa gilid ng riles ng train.

Muli namang pina­alalahanan ng pulisya ang mga pamilyang na­katira sa gilid ng riles lalo na ang mga ma­gulang na may maliliit na anak na palagiang bantayan ang mga ito dahil sa responsibilidad nila ang kaligtasan ng mga anak lalo na’t na­nini­rahan sila sa isang ma­panganib na lugar.

vuukle comment

A PARK

BRGY

FROILAN OLLERO

INIHAHANDA

KALUNUS

MAYNILA

NATIONAL RAILWAYS

RAMON BURAC

SHY

SKY MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with