4 bagets, suspects sa pagpatay sumuko

MANILA, Philippines - Sumuko kay Manila Mayor Alfredo Lim ang apat na teen­ager na pumatay sa volunteer staff ng isang Manila councilor at nakasugat ng isa pa sa na­ganap na rambol noong Linggo sa Solis St., Tondo, Maynila. Kinilala ang mga ito na sina Reyven Nemiada, 17; Ardie Timonera, 17; James Gerald Silva, 17 at Frederick Zabala, 17. Ang apat ang iti­nu­turong pumatay kay John Paul Lopez, 16;  at sumugat kay Kevin Acosta.

Inamin ng mga suspect na kinukursunada nila ang mga biktima bilang bahagi ng kanilang pagpapakilala sa kanilang grupong Undaunted Hood (UH) na  ilang buwan pa lamang na naitatag.

Dito ay pinagtulungang pagsasaksakin ng mga sus­pect si Lopez habang pi­nalo naman ng bato si Acosta. (Doris Franche)

Show comments