^

Metro

Sindikato ng human smuggling, bisto ng BI

-

MANILA, Philippines - Napigilan ng mga Immi­gra­tion Officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangkang human smuggling patungong Ca­nada ng isang sindikato na gina­gamit ang Manila bilang transit point.

Sa ulat kay Bureau of Im­migration (BI) Commissioner Marcelino Libanan ni BI airport operations division chief Ferdinand Sampol napigilan ang sinasabing human traf­ficking operation noong Lunes matapos na maaresto ang courier nito at dalawa niyang biktima sa NAIA.

Sinabi naman ni Libanan na ang pagkakaharang sa mga biktima at pagkakaaresto sa suspek ay resulta ng tamang paraan ng training sa mg BI personnel at sa pama­magitan na rin ng maka­bagong teknolohiya.

Kinilala naman ni Sampol ang courier ng sindikato na si Joana Lee May Lin, isang Singa­porean at ang mga ka­sa­ma nitong sina Jeremy Lim Chee Siong at Jimmy Ong Lai Heng kapwa Chinese na­tionals. Ang tatlong pasahero umano ay nasabat sa NAIA terminal 2 bago sila sumakay sa Philippine Airlines patu­ngong Vancouver, Canada noong Marso 1.

Nabatid na gamit nila Lim at Ong ang isang pekeng Singaporean passport pala­bas ng bansa upang maka­pag­trabaho sa Canada subalit noong dumating sila sa bansa ay gamit nila ang kanilang orihinal na pasaporte.

Ang tatlong dayuhan ay minanmanan ng mga miyem­bro ng BI-Monitoring Com­pliance and Migration Group (MCMG) sa airport matapos nilang pagdudahan si Lee na umaakto ring interpreter ng kanyang mga kasama.

Sa interogasyon kay Lim at Ong, inamin nila na bina­yaran nila ang mga sindikato ng halagang US$ 20,000 at US$ 30,000 para sa pagpro­seso ng kanilang biyahe sa Canada.

Nadiskubre din ng BI-anti fraud division na peke ang mga pasaporte ng mga ito. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF IM

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

FERDINAND SAMPOL

GEMMA AMARGO-GARCIA

JEREMY LIM CHEE SIONG

JIMMY ONG LAI HENG

JOANA LEE MAY LIN

MIGRATION GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with