^

Metro

16-anyos patay sa gang war

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang binatilyo habang sugatan ang kaibi­gan, sa naganap na rambulan ng dalawang gang, sa tapat ng isang pampublikong es­kwe­­la­han sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pulisya, ang na­sawi ay si John Paul Jose, 16, volunteer staff ni Councilor Abel Viceo at residente ng   V. del Fiero St., Tondo dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Nilalapatan pa ng lunas ang isa pang biktimang si Kevin Acosta, 16, miyembro ng GCG, ng V. del Fiero St., Tondo, dahil sa matinding bugbog sa ulo matapos kuyu­gin umano ng hindi bababa sa 15 kabataan na miyembro ng di pa matukoy na gang.

Ina­alam pa kung sinu-sino ang mga sangkot sa naganap na rambulan dakong alas-10:25 ng gabi sa harap ng Lakan­dula Elementary School sa Solis St., Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon, galing ang grupo nina Jose at Acosta kasama ang iba pang kaibigan sa birthday party ng isang alyas “Nica” at habang naglalakad papauwi sa riles ng PNR ay pinagbabato ng grupo ng mga suspek kaya hinabol nila hanggang sa magkasagupa sa tapat ng nasabing eskwelahan.

Natigil lang ang bakbakan nang makitang duguan nang humandusay si Jose. Nagsi­takas sa kani-kanyang direk­siyon ang kalabang grupo habang ang biktima ay dinala sa Ospital ng Tondo subalit idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Erwin Herrera.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga ope­ra­tiba ng MPD. (Ludy Bermudo)

AYON

COUNCILOR ABEL VICEO

DR. ERWIN HERRERA

ELEMENTARY SCHOOL

FIERO ST.

JOHN PAUL JOSE

KEVIN ACOSTA

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with