600 barangay kay Atienza
MANILA, Philippines - Tinatayang 600 na barangay sa buong Maynila ang buong tapang na nag pahayag ng pagsuporta sa kandidatura ni dating Manila Mayor Lito Atienza.
Ayon sa mga kapitan na sina Danilo Aquino ng District 3, Brgy 385 Zone 19; Francisco Blancko ng Dist.6 Brgy. 507 Zone 69; Violeta Candelaria ng Dist 1 Brgy 8 Zone 1; Jorge Limqueco ng Dist 4; Veronica Buenaventura ng Dist. 2 at Virginia Elizan ng District 5, sa kabuuang 897 barangay sa Maynila, 600 ang nagpahayag ng suporta kay Atienza.
Idinagdag naman ni Aquino na hindi rin umano matapang na makapagpahayag ng suporta kay Atienza ang ibang brgy chairmen dahil sa tinatakot na iipitin ang kanilang mga budget na nakatakdang i-release ngayong Marso.
Idinagdag pa nila na hindi sila natatakot sa kasalukuyang administrasyon ng lokal na pamahalaan kasabay ng panawagan sa iba pa na huwag magpadala sa mga pananakot at pang gigipit dahil malapit nang manumbalik ang tunay na nangangalaga at nagmamahal sa Maynila.
- Latest
- Trending