Smugglers binalaan
MANILA, Philippines - Nagbabala ang isang Customs official na nagpa-convict sa dating Cabinet Secretary ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Le Peng Wee sa mga smugglers na sasapitin din nila ang kapalaran nito kapag hindi sila tumigil sa illegal nilang trabaho.
Ayon kay Bureau of Customs-X-Ray Division Chief Atty. Lourdes Mangoang, hindi lamang mga small time smugglers ang kanilang hahabulin kundi maging ang mga big time smugglers tulad ni Wee.
Si Wee na kilala bilang si Wee Dee Ping ay nahatulan ni Zamboanga City RTC Judge Gregorio Dela Pena ng 20 taong pagkakabilanggo dahil sa kasong 2 counts of smuggling bunsod sa pagdadala ng 39 illegal na chemicals sa paggawa ng droga.
Si Wee ay dating Presidential Adviser for Ecnomic Affairs in Mindanao ni Estrada.
Si Mangaoang ang BOC Collector ng Zamboanga City nang sampahan nito ng kaso si Wee.
- Latest
- Trending