Nanugod itinumba

MANILA, Philippines - Sinugod ng 52 anyos na si Norie Barrios at hinamon ng suntukan ang 65-anyos niyang kapitbahay na si Julian Bilangel sa Valenzuela Heights, Bignay, Valenzuela City pero lumabas ng bahay ang huli at binaril ang una hanggang mapatay ito.

Patay na nang maisugod sa Sta. Clara Montefalco Medical Center si Barrios dahil sa tama ng bala sa dibdib. Nabatid na merong matagal nang alitan ang dalawang lalaki. (Danilo Garcia)

Show comments