Testigo sa jueteng inambus

MANILA, Philippines - Isang testigo sa jue­teng ang tinam­bangan at napatay ng hindi pa makilalang salarin sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Wilfredo “Boy” Mayor ng BF Homes, Pa­ra­ñaque City na idi­neklarang patay sa San Juan De Dios Hospital.

Sugatan naman sa pananambang ang pa­mangkin ni Mayor na si Rommel Mayor, 39 anyos.

Pauwi na ang mag­tiyuhin at ang manu­gang ni Mayor na si Allan Benedict Castro pagka­ tapos magpalipas ng oras sa casino sa Ma­late, Manila nang tam­bangan at pagba­barilin sila ng mga salarin.

Ang matandang Mayor ang isa sa mga tumestigo laban kay First Gentleman Mike Arroyo kaugnay ng imbestigasyon ng Se­nado sa jueteng may ilang taon na ang na­kakaraan.

Inutos naman ni Metro Manila Police Director Roberto Rosales ang malalimang imbes­ti­gasyon sa insidente at pagkuha sa salaysay ng mga kamag-anak ni Mayor para malaman kung may natatanggap na pagbabanta sa kan­yang buhay ang biktima bago ito inambus.

Inatasan ni Rosales si Southern Police District Director Jaime Ca­lunsod na ihanda ang cartographic sket­ches ng dalawang sa­larin batay sa paglala­rawan ng batang Mayor at Castro.

Show comments