Salvage victim itinapon sa tulay

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang bik­tima ng summary execu­tion ang isang hindi pa kilalang lalaki na natag­puang tadtad ng saksak ng ice pick sa tapat ng puso, may bakas ng pag­kakabigti sa leeg at itina­pon lamang sa ilalim ng McArthur Bridge, sa Plaza Lawton, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang bik­tima na nasa 38-46 an­yos, kalbo, 5’6’’ hang­gang 5’7’’ ang taas, tad­tad ng tattoo ang kata­wan, nakasuot ng maong na pantalon, t-shirt na puti at rubber shoes.

Sa ulat, namataan lamang ng isang lalaking napadaan sa lugar ang nakahandusay na bang­kay sa ilalim ng McArthur Bridge sa likod ng Philip­pine Post Office Building, sa Muelle del Rio.

Posibleng sa ibang lugar umano pinatay ang biktima dahil wa­ lang bakas ng dugo sa lugar at tuyo na ang mga dugo sa katawan nang ito ay matagpuan. (Ludy Bermudo)

Show comments