2 salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines - Dalawang lalaking pinanini­walaang biktima ng salvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Las Piñas kahapon.

Unang natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na naka­silid sa sako, nakagapos ng alambre ang mga kamay at paa at balot ang mukha ng packaging tape ang natagpu­ang nakalutang sa Pasig River, sa bahagi ng Binondo, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa 45-55 anyos , may taas na 5’4’’ hanggang 5’7’’, katamta­man ang pangangatawan, may bungi sa itaas na ngipin, naka­suot ng green na t-shirt, itim na maong pants at tadtad ng tattoo ng ‘Commando gang’.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:40 ng umaga nang madis­kubre ang bangkay ng biktima sa Ilog Pasig sa tapat ng Fili­pino-Chinese Federation build­ing sa Binondo.

Samantala, na­diskubre na­man ng mga residente sa isang barangay sa Las Piñas City kahapon ng madaling-araw ang bangkay ng isang lalaki na nagtamo ng isang tama ng bala sa noo na hinihinala ring biktima ng summary execution.

Inilarawan ito na nasa edad na 25-30, nakasuot ng pulang t-shirt, itim na pantalon, may mga tattoo na “Jojo” at “Sputnik” sa katawan. Nabatid na nasa pagitan ng magkabilang mata nito ang tama ng bala na po­sibleng ipinutok ng malapitan.

Dakong alas-5:30 ng mada­ling-araw nang madiskubre ang bangkay sa bakanteng lote sa Metrocor Site, Brgy. Almanza I, ng naturang lungsod. 

May hinala ang pulisya na pinaslang sa ibang lugar ang bik­ tima dahil sa wala namang na­rinig na putok ng baril ang mga residente at itinapon lamang sa naturang bakanteng lote.

Patuloy namang inaalam ng mga imbestigador ang pagka­ka­ki­lanlan ng naturang suspek na maaari umanong miyembro o may atraso sa isang sindikato. (Ludy Bermudo at Danilo Garcia)

Show comments