Joy Belmonte lamang pa rin kay Aiko

MANILA, Philippines - Nananatiling nauungusan ni Quezon City Vice-Mayoralty candidate Joy Belmonte ang katunggali nitong aktres na si Aiko Melendez sa isang bagong survey ng Social Weather Station.

Sinasabi sa ulat na 39 per­cent ang rating ni Belmonte kumpara sa 38 percent ni Melendez.

Tumanggi naman si SWS President Mahar Mangahas na kumpirmahin o pabula­anan ang naturang survey. Pero sinabi ni Mangahas na nasa sponsor ng survey ang kapasyahan kung ihahayag ito sa publiko.

Sa survey ng SWS noong Dis­yembre, nanguna si Bel­monte at ang runningmate niyang si Quezon City Mayoralty candidate Herbert Bau­tista­.

Kinomisyon ito ng isang Giovanni Estrada. Nakakuha sila ng 75 percent at 60 per­cent ng boto ng mga res­pondent.

Si Belmonte na anak ni QC Mayor Feliciano Bel­monte ang napipisil ng 60 porsiyento ng 500 res­pondent. Puma­nga­lawa si Janet Malaya sa rating na 19 percent at pa­ngatlo si Me­lendez na naka­ku­ha ng 17 percent. (Helen Flores)

Show comments