Joy Belmonte lamang pa rin kay Aiko
MANILA, Philippines - Nananatiling nauungusan ni Quezon City Vice-Mayoralty candidate Joy Belmonte ang katunggali nitong aktres na si Aiko Melendez sa isang bagong survey ng Social Weather Station.
Sinasabi sa ulat na 39 percent ang rating ni Belmonte kumpara sa 38 percent ni Melendez.
Tumanggi naman si SWS President Mahar Mangahas na kumpirmahin o pabulaanan ang naturang survey. Pero sinabi ni Mangahas na nasa sponsor ng survey ang kapasyahan kung ihahayag ito sa publiko.
Sa survey ng SWS noong Disyembre, nanguna si Belmonte at ang runningmate niyang si Quezon City Mayoralty candidate Herbert Bautista.
Kinomisyon ito ng isang Giovanni Estrada. Nakakuha sila ng 75 percent at 60 percent ng boto ng mga respondent.
Si Belmonte na anak ni QC Mayor Feliciano Belmonte ang napipisil ng 60 porsiyento ng 500 respondent. Pumangalawa si Janet Malaya sa rating na 19 percent at pangatlo si Melendez na nakakuha ng 17 percent. (Helen Flores)
- Latest
- Trending