MANILA, Philippines - Nagpahayag ng maagang abiso sa mga motorista ang Traffic Enforcement Unit (TEU) ng Manila Police District (MPD) na iwasan ang Roxas Boulevard, sa Maynila sa Linggo ng umaga. Ito’y dahil sa pansamantalang pagsasara ng kalye para sa gaganaping taunang fun run activity na ‘11th DZMM Takbo para sa Kalikasan 2010’.
Simula alas-5 ng madaling-araw ay isasara pansamantala ang soutbound lane ng Roxas Blvd. mula sa Katigbak St. hanggang sa Vito Cruz St., kaya pinayuhan na lamang ng MPD-TEU na gamitin ng mga motorista ang alternatibong ruta.
Inaasahan din namang maaapektuhan ang lahat ng cargo trucks, trailers, at vans na magmumula sa Ayala Boulevard at City Hall area kaya’t pinapayagan ang mga ito na dumiretso sa Pier Area via P. Burgos Street at Bonifacio Drive.
Nabatid na ang fun run activitiy ay inaasahang magsisi mula ng alas-6 ng umaga at magtatapos ng alas-8 ng umaga. (Ludy Bermudo)