^

Metro

Negosyante itinumba ng riding-in tandem

-

MANILA, Philippines - Butas ang bungo ng isang negosyante matapos na pagba­barilin ng hinihinalang hired killer na riding in tandem habang ang una ay sakay ng kanyang Pajero sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Si Renato Aguito, 58, ice  cream dealer, ng Imperial St., E. Rodriguez Blvd., Cubao, ay nagawa pang isugod sa East Avenue  Medical Center subalit  hindi na rin ito naisalba ng mga doktor bunga ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Ayon sa pulisya, tinitingnan nila ang anggulong mga hired killer ang mga suspect dahil sa sistema ng pagpatay sa biktima na ang tama ay pawang sa ulo ay pagtiyak lamang na hindi na ito mabubuhay pa.

Sa ulat ni PO3 Jonathan Bardaje, ng desk officer ng Police Station 7, nangyari ang insidente sa may Oxford St., Cubao, ganap na alas-7 ng umaga.

Bago ito, kahahatid lamang umano ng biktima sa kanyang mga apo sa pinapasukan nilang paaralan nang tambangan ng mga nasabing suspect. Sinasabing routine na ng biktima ang maghatid sa kanyang apo sa paaralan kung kaya posibleng pinag-aralan muna ito ng mga suspect.

Sakay ng kanyang Pajero (WEN-576) si Aguito at bina­baybay ang kahabaan ng Oxford St., Brgy. E. Rodriguez, nang humarang sa daraanan nito ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalake.

Matapos nito agad na naglabas ng mga baril ang mga suspect saka pinaulanan ng bala ang sasakyan ng biktima saka mabilis na nagsitakas. 

Sinabi ng kaanak ng biktima, posibleng may kinalaman sa krimen ang dalawa nilang empleyado na sinampahan ng nasawi ng kasong estafa dahil sa malaking halagang inutang ng mga ito sa kanya na hindi nababayaran. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

CUBAO

EAST AVENUE

IMPERIAL ST.

JONATHAN BARDAJE

MEDICAL CENTER

OXFORD ST.

POLICE STATION

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with