Karnaper todas sa engkuwentro

MANILA, Philippines - Patay ang isang pinaniniwalaang karnaper, habang naka­takas naman ang kasamahan nito makaraang makipag-palitan ng putok sa mga awtoridad ilang minuto matapos na tangayin ang motorsiklo ng isang auto mechanic sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa biktima na tinatayang nasa edad na 30-35, may taas na 5’7, payat, straight ang buhok, nakasuot ng shorts, may mga tattoo ng Dhren sa kanang pulso at ulo ni Kristo at Asero sa katawan.

Ayon sa ulat, isa  sa kasamahan ng nasawi ang naka­takas matapos ang engkwentro. Nauna nang tinangay ng mga suspect ang isang Yamaha Mio model 2007 (9574-NR) na pag-aari ni John Daniel,  43, ng Deparo Caloocan City.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may Samonte Road, Katipunan Avenue, Brgy. Nagkaisang Nayon, sa lungsod pasado alas-4 ng madaling-araw.

Narekober sa lugar ang isang kalibre 38, isang basyo ng bala at dalawang piraso ng basyo ng kalibre 9mm.

Show comments