Sundalo sa OVP sinaksak
MANILA, Philippines - Isang sundalo na nakatalaga sa Office of the Vice President ang sinaksak ng isang lalaki na nainis sa labis niyang kalasingan at kakulitan habang nakikipaglamay ito sa isang namatay na kamag-anak sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Canexto James, 41-anyos, active member ng Armed Forces of the Philippines at nakatalaga sa OVP.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang suspek.
Naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa isang lamayan sa Brixton at Opel Streets sa Camarin ng nabanggit na lungsod.
Galing sa inuman at nagpunta ang biktima para makipaglamay sa isang namatay na kaanak at hindi nito namalayan na ang hindi kilalang suspek na naglalamay din ay naasar sa kanya sanhi ng pagiging lasing, makulit at maingay nito.
Nairita ang suspek, bumunot ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending