Aleman dineport
MANILA, Philippines - Ipinadeport pabalik sa kanyang bansa at ipinailalim ng Bureau of Immigration sa blacklist ang 48 anyos na umano’y pedophile na Aleman na si Holger Arvid Ingo Becker dahil sa pagiging undesirable alien at wanted sa bansang Germany dahil sa panggagahasa at pagmomolestiya sa ilang bata.
Bago pinatapon, nakakulong si Becker sa Immigration jail sa Bicutan mula noong April 2009 nang maaresto sa kanyang residente sa Cavite City.
Mula pa noong Enero 2008 nagtatago sa Pilipinas si Becker para iwasan ang mga naghahanap na awtoridad sa kanya sa Germany. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending