MANILA, Philippines - Gumawa na ng hakbang ang lokal na pamahalaan ng Maynila para makapagtipid sa tubig kaugnay sa nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.
Nabatid kay Ret. P/Supt. Franklin Gacutan, hepe ng Mayor’s Complaint and Action Team na nagpalabas na ng memorandum si Manila Mayor Alfredo Lim sa kanyang Barangay Bureau para atasan ang lahat ng barangay chairman sa lungsod na magpatupad ng mga hakbang sa kanilang nasasakupan na magtipid sa tubig.
Gayundin, sinabi ni Gacutan na partikular na tinukoy ng alkalde sa pagtitipid ng tubig ay iyong mga negosyong “car wash”. “Sinabihan na silang lahat na huwag mag-aksaya ng tubig,” ayon kay Gacutan. (Doris Franche)