Kelot tinodas ni alyas Garapata
MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang lalaki makaraang sunud-sunod na kadyutin ng saksak ng isang kilabot na siga kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot nang buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang biktimang si Ronald Manalo, 31-anyos, binata, at naninirahan sa C. Name Street ng naturang lungsod.
Nakilala lamang ng pulisya ang suspek sa alyas na Garapata na mabilis na tumakas matapos ang krimen. Naglalakad si Manalo nang biglang harangin ng suspek at agad na inundayan ng saksak. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending